Saturday, August 19, 2023

Ebolusyon Pa

Dinala ko sa Istarbak dito sa Isla Lulu ang tablet ko ngayong maulap at preskong umaga nang ika-19 ng Agosto ng 2023 para maglitrato at mag-Internet doon. May tsaang itim na mayelo ako. Dumating si Greg para magkape. Binili niya ako ng mga mansanas na tsip. Pinag-usapan namin ang may Pinlandes at Rusong may lahing Mongoloid, miski na ang karamihan sa kanila ay talagang Caucasoid. Pinag-usapan namin din ang siyensiyang piksiyong prangkisang Planeta ng mga Matsing nang ilang dekada na. Hindi naniniwala si Greg na ang tao ay nanggaling sa matsing. Sabi kong may 99% kompatibilidad ang DNA ng tsimpanse sa tao. At kung iahit ang oranggutan, tsimpanse, o gorilya, talagang mukhang tao sila. Hindi matatangge ang relasyon. Iba raw ang nasa Bibliya niya. Sabi kong sa Henesis ay may paglalarawan ng progreso ng mga hayop noong unang panahon. Parang "ebolusyon" iyon. Binanggit din naming ang oktopus, delpin, at balyena ay mga intelihenteng hayop.



No comments:

Post a Comment