Thursday, August 17, 2023

Gouda II

Dinala ko ang aking tablet sa Istarbak dito sa Isla Lulu nitong maaraw na umaga nang ika-17 ng Agosto ng 2023 para mag-Internet at maglitrato roon. Nagtsatsaang itim na mayelo ako roon. Sa aking berdeng kambas na sakong may senyas ng Krus na Pula, dala ko ang librong An Introduction to Haiku ni Harold G. Henderson, yaong nabili ko sa Victoria, BC, nang ilang taon na ang nakalipas noong bumisita rito ang aking Tiya Mila, Tiyo Joe, at pinsang Jojo. May tindahan ng mga luma at ginamit nang libro. Noon ang huli kong nagtabaw papuntang Isla Bangkuber. Sa Istarbak, kumain din ako ng sanwits na beykon, Gouda, at itlog. Ginaya ko si Greg. Sa daan kanina papuntang Istarbak, nakita ko si Michael na Danes-Pranses at pinakita niya sa akin sa selpon niya ang mga iba pang mahiwagang ilaw-ilaw sa pook na sa kanya ay ebidensiya ng ekstraterestre. Pinag-usapan namin ang ruwinang "Göbekli Tepe" sa Turkiya at mga "Linyang Nazca" sa Peru. Mga alas 8 nang umaga, dumating si Greg. Nagsanwits na Gouda rin siya. May kape. Binili niya ako ng mga mansanas na tsip. Pinag-usapan namin ang mga tuk-tuk sa Taylandiya at mga traysikel sa Pilipinas. Pinakita ko ang biyaheng birtuwal sa tablet. Ang halimbawa ko ay Paris sa Pransiya at Eilat sa Israel. Puwedeng umibo sa mga imahen nang parang naglalakad o nagdradrayb. Nakakulay-abong tisyort ngayon si Greg. Sa pizzeria, dumalaw ang dalawang lalaking maganda ang katawan, isang nakakulay-abong tisyort at isang nakanarangha. Naka-blue jeans at balbas pareho.


No comments:

Post a Comment