Maulap nitong umaga nang ika-5 ng Agosto ng 2023. Nasa tsaahan ako rito sa Isla Lulu para uminom ng mayelong itim na tsaa. Naroon ang mga baristang si Gopika, yaong Taga-Indiya, si Chase, yaong matangkad na mestisong Tsino-Ingles, at si Jessica, yaong Byetnamesa. Nakaupo ako sa tabi ng bintana, at sa kabila sa labas na mesa ay nakaupo si Marlin, yaong Pilipina, at si Les, yaong Haponesa. Hinintay ko si Greg, yaong Pilipino, pero hindi na siya nasipot nitong mga araw, dahil takot yata ang mga dayuhan sa aming malakas na pag-uusap sa Tagalog. Tapos, pumuntang lakad ako sa tindahan para bumili ng isang sako ng mga siyopaw. Tapos, sa labas, nakita ko si Michael na Danes-Pranses. Pinag-usapan namin ang mga sutil na senyas ng mga ekstraterestre. Sabi ko sa kanyang ang isang dahilang naiisip ko kung bakit nagtatago ang mga ekstraterestre sa atin ay dahil "eksperimento" ang Tiyera nila at ayaw istorbohin. Baka tayo ay parang "aquarium" o "terrarium" lamang ng abansadong "batang" ekstraterestreng naglalaro o parang ganoon.
No comments:
Post a Comment