Monday, August 7, 2023

Basketbol

Sa preskong maulap na umaga nang ika-7 ng Agosto ng 2023, naghuhuntahan kami ni Greg, o Gregorio, yaong Pilipino, sa tsaahan dito sa Isla Lulu. Pinag-usapan namin ang mga Sagradong Eskritura sa Kristiyanismo at Budismo. Napupuna kong may tatlong taling na nakalinya sa leeg sa kaliwa ni Greg. Para silang kompigurasyon ng tatlong estrelya sa Sinturon ni Orion, yaong kung tawagin sa Kastila ay Los Tres Reyes Magos, o Las Tres Marías. Pinag-usapan din namin ang isport na tema. Mahilig si Greg sa basketbol. Ako naman ay mahilig sa anumang martial arts, tulad ng aikidō, kendō, kyūdō o artseriya, at iba pa. Binagyan ni Greg ako ng isang sako ng mansanas na tsip habang nagtsatsaang itim na mayelo ako. Siya naman ay kape at croissant. Naroon din sa tsaahan si Marlin, yaong Pilipina, sa ibang mesang nagbabasa. Pranses galing Pransiya ang asawa niya. Pag-uwi ko, nakita ko si Michael na Danes-Pranses sa parkeng naninigarilyo. Nagprapraktis daw siya sa tahanan ng mga musika, tulad ng Blues, Folk, at mga ganoon. Tingnan ko raw sa Internet ang "Göbekli Tepe" sa Turkiya, yaong talagang antigong ruwina.

No comments:

Post a Comment