Sa mabanas na hapon nang ika-18 ng Agosto ng 2023, naglalakwatsang nagkokola ako sa harapan ng bintana sa labas ng pizzeria rito sa Isla Lulu. Lumabas nang pinto ang isang trabahador, yaong si Jitender S. na Taga-Punjab na nanirahan sa Timog Korea nang dalawang dekada. Sabi kong masarap nga yata ang pagkaing Koreano. Pero, sabi niya ay "behetaryano" raw siya parati kung saan man. Sabi ko nang nakaupo ako sa mesang "nagmemeditasyon" ako. Tinanong ko kung may meditasyon sa Sikhismo. Sabi niya ay "lahat na relihiyon" ay "pareho," at may "meditasyon" ang "lahat na relihiyon." Pinagbigyan ko na lamang siya. Sa loob ng isip ko, hindi pareho ang mga relihiyon. Parang naging politika na.
No comments:
Post a Comment