Sunday, August 6, 2023

Ang Tatlong Basket

Nitong preskong umaga nang ika-6 ng Agosto ng 2023, nasa tsaahan dito sa Isla Lulu ako para isang baso ng mayelong itim na tsaa. Ang mga barista roon ay si Gopika, yaong Taga-Indiya, si Chelsea, yaong Tsinang Mandarin, si Sarah, yaong Anglo-Sahonang dating nasa Québec, at si Jam, yaong batang Pilipinong Taga-Bulacang may bigote at may ponytail. Sa isang mesa, naroon si Dennis, yaong Tsino-Alemang mestisong naglalaro ng Sudoku nang may mga de-kolor na pensil. Sa labas sa mesa sa tabi ng bintana ay si Les, yaong Haponesa, at ang kaibigan niyang Tsina. Dumating si Greg, yaong Pilipino. Binigyan niya ako ng isang sako ng mga mansanas na tsip. Nagkakape siyang may croissant. Pinakita niya sa akin ang bago niyang malaking Bibliya. Tinanong niya sa akin kung ano ang mga Sagradong Eskritura sa Budismo. Sabi kong iyon ay "Tipiṭaka," yaong "Tatlong Basket" na parang malaking ensiklopedya. Tapos, pinag-usapan namin ang orihen ng mga Awstronesyo ay Taiwan. Kumalat sila sa Pilipinas, Malaysia, Indonesia, Madagascar, Hawaii, Tahiti, Samoa, Rapa Nui, Bagong Silandiya, at mga ganoon. Alam nila ang mga bituwin para sa nabegasyon. May mga Pilipinong may lahing Mehikano dahil noong panahon ng Kastilang Imperyo, maraming marinero galing Mehiko ay tumigil sa Pilipinas. Sabi kong may kaibigan akong Tsinoy sa hayskul na Hokkien ang salita sa bahay. Taga-Cebu sila. Si Greg ay Taga-Nueva Ecija. Taga-Batangas ang pamilya ko naman.

No comments:

Post a Comment