Sa mabanas na hapon nang ika-15 ng Agosto ng 2023, naglalakwatsa ako sa harapang mesa sa labas ng pizzeria rito sa Isla Lulu, at nagkokola ako. Kinakausap ako ni Jitender S. na Taga-Punjab sa Indiya. Magiging manedyer siya sa isang bagong pizzeria sa prangkisa, sa Abbotsford naman. Kinukuwento niya ang dating buhay niya sa Timog Korea nang nagdalawang dekada siya roong nagkokonsulta sa mga pagpipinta ng mga bapor sa buong bansa roon. Marunong si Jitender ng Koreano, magsalita at magbasa. Sabi kong mas madali naman ang Koreano kaysa sa Intsik o Hapones dahil madalas gamitin ang alpabetong Hangeul nila. Sabi kong "robusto" ang Koreano. Inaasahan niya ang Abbotsford na tahimik na komunidad. Nakaitim na kamisetang de-kolyar siya at asul na maong na pantalon. Sa loob ng pizzeria, may malaking lalaking nakaahit ang ulo at may mga tato. Kumakain ng pizza.
No comments:
Post a Comment