Wednesday, August 16, 2023

Moomintroll

May nakikita akong pabalik-balik na tabatsoy na naka-Mohawk ang dilaw na buhok sa kalye habang naglalakwatsang nagkokola ako sa mesa sa harapan ng pizzeria rito sa Isla Lulu nitong mabanas at maaraw na hapon nang ika-16 ng Agosto ng 2023. Kamukha siya ni Greg. Pero, itim ang buhok ni Greg. Sabi ko kay Greg noong isang araw na parang "Disneyland" sa akin ang muwebleriyang IKEA, yaong galing Suwesya. Maraming makikitang obheto roon. Ang 16 at 28 ay mga numero ng Esperanto. May 16 na basikong gramatikong regla ang Esperanto, at may 28 letra ang alpabeto ng Esperanto. Mahilig ako sa mga pantasyang kuwento ni Tove Jansson, yaong Suwekang Pinlandesang manunulat tungkol sa mga Moomintroll.

No comments:

Post a Comment