Friday, August 11, 2023

Sakura Keyk

Sa maaraw na umaga nang ika-11 ng Agosto ng 2023, naghuhuntahan kami ni Greg, o Gregorio, yaong Pilipino, sa tsaahan. Nagkakape siyang may croissant. Ako naman ay mayelong itim na tsaa. Binili niya ako ng mga mansanas na tsip. Sabi ko sa kanyang noong nasa Hapon ako noong matagal na, walang Istarbak doon, pero ngayon ay sikat na roon. Doon, may Sakura Keyk, yaong keyk na may bulaklak na tseri sa ibabaw, at may Kamoteng Keyk pa. Sa tsaahan, may dumalaw uling yaong muskuladong lalaking mukhang militar na nakakulay-abo ang suot. Tinanong ko ang paboritong pagkain ni Greg. Sabi niya ay Kanadyanong at Pilipinong pagkain. Ako naman ay buko at pagkaing-dagat ang sabi ko. Wala ako ngayong dalang libro o tablet. Sabi ko kay Greg na madalas akong manood ng tao at magmeditasyon na lamang. Ganoon sa Europa at Asya.

No comments:

Post a Comment