Nitong umaga nang ika-19 ng Agosto ng 2023, sa Istarbak, nagdiskusyon kami ni Greg tungkol sa Asya. Sa musika sa bakgrawnd, napapakinggan namin ang R&B. Sabi kong sa Hapon at Korea, may R&B rin, pero sa sarili nilang wika. Ganoon din ang Hip-hop o Rap sa kanila. Sa unibersidad ko, nakikinig ang kaibigan kong si Steve K. na Kantones sa J-pop para matuto siya ng Hapones. Isa pa, sabi ko kay Greg na noong nasa Hapon ako, may maraming Taga-Iran sa industriya ng konstruksiyon. Nagsisiksikan sila sa parke tuwing katapusan ng linggo para magtsaa mula sa balde. May mga Taga-Irang nag-asawa nang Haponesa. Sabi ko rin kay Greg na ang Nagasaki ay dating isang Portuges na komersiyal na daungan. May mga Hapones ngayong hindi alam na may lahi silang Portuges mula sa mga marinero. Sa ibang tema, ang sulat na sinograma ay resulta nang matagal na kaos na ebolusyon sa Hapon at Tsina. Sa Korea, madalas gamitin ang alpabetong Hangeul nila, at ang sinograma ay nirereserba sa mga "mataas" na literatura. Kaya mas madali ang Koreano kaysa sa Hapones o Intsik, talaga. Hindi ko pa nabanggit kay Greg na interesado rin ako sa Taylandes at Byetnames na hindi gumagamit ng sinograma ngayon. Sa ibang tema, yaong mga "indihenong" Ainu sa Hokkaido ng Hapon ay mga mestisong nagmula sa Siberia.
No comments:
Post a Comment