Monday, August 21, 2023

Ensiklopedya

Medyo nalamig na nitong umaga nang ika-21 ng Agosto ng 2023 nang pumuntang lakad ako sa Istarbak para magtsaang itim na mayelo. Sa berdeng mensaherong sako kong may senyas ng Krus na Pula, may dinala akong ubeng hopyang hindi ko kinain at ang Esperantong librong Enciklopedieto de Ĉinio ng Ĉina Esperanto-Eldonejo, yaong binabasa ko. Ang mga barista sa umaga ay si Karina, yaong Rusa, si Sarah, yaong Anglo-Sahonang dating nasa Québec, at si Tanya, yaong Anglo-Sahona rin. May dumalaw na mag-asawang Taga-Europa. Malamang na hindi mula sa Romania. Baka Eslabiko o Hermaniko ang salita. Nilalagyan nilang elegante nang alak mula sa kulay-pilak na metalikong bote ang kape nila habang nakaupo sila sa harapan sa mesa sa tabi ng bintana. May haliling dumalaw na dalawang puting lalaking may itsurang medyo mapula ang kayumangging buhok, at nakaitim ang suot nila. Ang ganda ng pulang-pulang mabilog na araw sa kulay-abong langit sa labas ng bintana. Pula siya dahil may malaking sunog daw sa Interior ng BC, at pumaparito ang usok mula roon.

No comments:

Post a Comment