Tuesday, August 1, 2023

Tsaahan sa Ibaan

Maaraw ngayong una ng Agosto ng 2023. Sa umaga sa tsaahan sa Isla Lulu, napanood ko ang pagsikat ng araw habang umiinom ako ng mayelong itim na tsaa. Ang mga barista ay si Sarah, yaong Anglo-Sahonang dating nasa Québec, at si Taryn, yaong isa pang Anglo-Sahona, pero matangkad. Naroon din si Dennis na mestisong Tsino-Alemang naglalaro ng Sudoku sa ibang mesang may mga de-kolor na pensil. Kumakain ako ng binalot na kesong feta, espinaka, at puti ng itlog. May dala akong mga libro sa aking kambas na sako: isang Esperantong minidiksiyonaryo at ang Esperantong nobelang Tra Lando de Indianoj ni Tibor Sekelj, tungkol sa buhay sa gubat ng Brasil. Sa bahay, sa aking tablet, binibisita ko ang iba-ibang lugar sa mundo nang mga imahen sa satelayt. Sa Ibaan sa Pilipinas, pook ng aking mga bakasyon sa pagkabata, may mga modernasyon na. May bagong tsaahang ang tawag ay Kū Chí Tea na may senyas sa logogramang Tsinong 苦你可 kǔ nǐ kě, "mapait puwede ka." Natatandaan kong may mga kalesa noong bata pa ako, pero ngayon ay mga dyip at traysikel na. Noong bata ako, natatandaan ko ang mga mabanas na araw at ang mga punong may kakaw. Marami pang bahay ay kawayan at kahoy lamang noon; ngayon ay semento. Ngayon, may restawrang Jollibee nang may Drive-Thru pa. Parang nasa Maynila na.

No comments:

Post a Comment