Tuesday, August 8, 2023

Imperyo

Maulap ngayong umaga nang ika-8 ng Agosto ng 2023. Nasa tsaahan kami ni Greg na nakaasul na dyaket, para maghuntahan. Binigyan niya ako ng mansanas na tsip. Nagkakape siya at may croissant. Ako naman ay may ubeng hopya at malamig na itim na tsaa. Inalok ko siya ng ubeng hopya, pero ayaw niya. Sa Europa, sa Gitnang Silangan, at miski na sa Hapon, ang kulay-lila o morado, simbolo ng Lojban, ay kulay ng hari o emperador. Naroon sa tsaahan ang mga baristang si Karina, yaong Rusa, at si Sarah, yaong Anglo-Sahonang dating nasa Québec. May dumalaw na kostumer na muskuladong mukhang militar na nakakulay-abo ang suot. Sa isang mesa, nagbabasa si Marlin, yaong Pilipina, ng librong Feeding My Mother. Sabi ko kay Greg na sa ilalim ng aklatan sa UBC na unibersidad ko ay maraming lumang rekwerdo at libro noon pang kolonyalismo ng Britanikong Imperyo. Parang inaamag na sila. Nakaupo sa bar si Chen, yaong tabatsoy na muskuladong Tsino. Sa isang mesa, naroon si Dennis na mestisong Tsino-Alemang nagsu-Sudoku. Dumalaw si Brian, yaong Eskoses na may balbas at tato. Mahaba ang buhok. Pinag-usapan namin ni Greg ang imigrasyon sa Hapon. Sabi kong kung may lahing Hapones ang tao at may dokumento, puwedeng maging imigrante sa Hapon. Mas gusto ang mga katulad ng Taga-Brasil, Taga-Peru, at mga ganoon. Pareho kami ni Greg gusto ang manok sa KFC. Sabi kong tikman niya ang Hainanese Chicken sa Bubble Waffle Café rito sa Isla Lulu. Masarap. Sa tema ng araw, ang 8 at asul ay mga simbolo ng Interlingua.

No comments:

Post a Comment