Friday, August 11, 2023

Blue Jeans

Dalawang beses akong pumunta sa Isla Lulung pizzeria, sa umaga at sa hapon, nang ika-11 ng Agosto ng 2023. Sa hapon, nakita ko roon ang isang di malimit na kostumer na mestisong mukhang may lahing Amerindiyo, miski na sabi niya sa aking "kalahating Tsino" raw siya. Nakaasul na kamiseta at blue jeans siya. May balbas, at mahaba ang itim na buhok. Makapal ang katawan. Sa umaga sa pizzeria, may nakita akong malusog na adolesenteng naka-blue jeans at ginagaya ang modo nang dekadang 1970.

No comments:

Post a Comment