Sunday, August 13, 2023

Gouda

Naghuhuntahan kami ni Greg, o Gregorio, yaong Pilipino, sa tabi ng bintana sa harapan ng loob ng Istarbak nitong maaraw at preskong ika-13 ng Agosto ng 2023. Nakakulay-abong sweter na dyaket siya. Sa maliit na berdeng kambas na sako ko, dala ko ang Esperantong minidiksiyonaryo at Esperantong Tra Lando de Indianoj ni Tibor Sekelj, tungkol sa buhay sa gubat ng Brasil. Kumakain si Greg ng sanwits na beykon, Gouda, at itlog nang may kasamang kape sa seramikang tasa. Ibinili niya ako ng mga mansanas na tsip pa, miski na bumili na ako ng isang sako bago siya dumating. Nagtsatsaang itim na mayelo ako. Ang mga barista roon ay si Karina, yaong Rusa, si Sarah, yaong Anglo-Sahona, at si Nabhi, yaong Taga-Indiya. Sa labas ng bintana, kita ko ang mga kalapati at uwak na kumakain sa semento. Sa pagmamasyal ko nang mga imahen sa satelayt, naroon na ako sa Goa sa Indiya, dating kolonyang Portuges. Narating ko na rin ang Puducherry sa Indiya, dating kolonyang Pranses. Nitong mga araw, madalas ako sa Aprika rin. Nalibot ko na ang buong Tiyera nang pisikal at birtuwal. Tinalakay namin ni Greg ngayon ang tema ng mga kamikaze sa Pearl Harbor at ang mga dahilan noong gera. Sa ibang tema, masarap sabi ko ang katelpis, yaong parang pusit, sa Intsik. Sa ibang mesa, nagsu-Sudoku si Dennis, yaong mestisong Tsino-Aleman. May dumalaw na higanteng lalaking nakaberdeng tisyort at asul na maong na pantalon at nakaahit ang ulo.


No comments:

Post a Comment