Sunday, August 27, 2023

Gouda III

Nasa Istarbak ako nitong kaunting maulap na maaraw, pero lumalamig, na umaga nang ika-27 ng Agosto ng 2023. May dala akong mga libro sa aking kambas na sako: isang Esperantong minidiksiyonaryo at ang Esperantong nobelang Tra Lando de Indianoj ni Tibor Sekelj, tungkol sa buhay sa gubat ng Brasil. Sa Istarbak, kumain din ako ng sanwits na beykon, Gouda, at itlog. Ginagaya ko si Greg. May mayelong itim na tsaa ako. Sa isang mesa naman ay si Dennis, yaong mestisong Aleman-Intsik, na naglalaro nang KenKen, isang matematikong larong katulad ng Sudoku. Iniisip ko naman sa mesa ko ang mga wikang guni-guni. Ang Esperanto at Interlingua ang mga magagamit na mahusay ngayong kanluranin. Pero, nagmumuni-muni ako tungkol sa Xoqolat ko, ang prototipo. Sa isip ko, dapat parang Chavacano o ibang kreyol ang super-duper na wikang guni-guni. Dapat hindi obligatoryo ang panahunan ng berbo. Manunulat kasi ako. Sa Tagalog, Hapon, at Tsino, walang panahunang gramatiko ang berbo, pero mayroong aspektong gramatiko. Dapat sa super-duper na wikang guni-guni, opsiyonal ang TAME, ang tiyempo, aspekto, modo, at ebidensiyal. Dapat may omnipredikatibidad ang mga salita katulad sa Mehikanong Nahuatl, o Aztec. Sa ibang tema, sabi ni Ka Chris, yaong palaging naglalakwatsa sa tabi ng serbeseriya, ay may banda raw kagabing kumakanta ng mga kanta nang dekadang 1970. (Ang pagbigkas ng "Gouda" pala ay /ˈɣɑu̯.daː/ na Olandes.)


No comments:

Post a Comment