Nang maulap na ika-24 ng Disyembre ng 2023, nasa Istarbak ako sa umaga at nasa pizzeria sa umaga rin at dalawa pang beses doon sa hapon. Lakad ako. Sa Istarbak, may sanwits na salsitsas, cheddar, at itlog ako. May itim na tsaang may yelo ako. Nagbabasa ako ng baon kong Kastilang librong Crónicas de Majipur ni Robert Silverberg. Ang mga barista ay si Sara, yaong Anglo-Sahonang ngayon ay nakasuot nang sungay na reyndir, at si Karina, yaong tabatsoy na Rusa. Sa hapon sa pizzeria, dumalaw ang asawa ni Khathie, yaong Taga-Senegal, at dala niya ang istroler nang may dalawang mulatang anak na si Aïcha at si Amina. Steve ang pangalan niya, at may lahi siyang Britaniko at Pranses daw. Binabasa ko ang baon kong Pranses na librong Les mystères du vaudou ni Laënnec Hurbon. Sa pizzeria, naroon ngayon ang mga Taga-Indiyang tinderang si Lavjot, si Jot, at si Navjot. Palagi akong may kolang pangdiyeta, at kung minsan may pizza ako.
No comments:
Post a Comment