Friday, December 22, 2023

Ilaw

Nang maulap na huling umaga nang ika-22 ng Disyembre ng 2023, lumakad ako papuntang pizzeria. Sa parkeng eskinita, nakita ko si Gay-Marie. Habang naglalakad kami, may nakapasok na insekto sa bibig niya. Nabulunan siya. Tapos, pinag-usapan namin ang Pasko. Sabi niyang ang pusa niya at sarili niya ang pamilya niya ngayon. Huling nakita niya ang kapatid niyang lalaki sa Delta noong 2017. May kamag-anak daw siya sa Eskosya at Australia. Pero, ngayon, ang pusa at siya lamang ang pamilya. Sa pizzeria, nagkokolang pangdiyeta ako. May bagong Taga-Indiyang tindera roong ang pangalan daw ay Jot na parang mukhang Hawayana. Ang ibig sabihin daw ng Jot ay "ilaw." Sa isang mesa sa pizzeria, nakaupo si Simon na tagaluto sa malapit na Byetnames na restawran. Matagal na raw na hindi ako napunta sa kanila. Sabi kong palagi akong nasa pizzeria ngayon. Pinag-usapan namin ang relihiyon sa Byetnam. Sabi kong alam kong may mga Budista at Katoliko sa Byetnam. Wala naman siyang inaaming relihiyon niya. Sabi kong masarap ang lumpiyang ensalada sa kanilang restawran. Sa labas nang pauwi ako, nakita ko si Michael na Danes-Pranses na ufolohista at si Bernard na puting Taga-Timog Aprika. Naglalaro ng krosword si Michael na nakaupo sa bangko, at nakaupo naman si Bernard sa woker niya. Nasa lilim kami ng mga puno sa tabi ng mga tindahan.

No comments:

Post a Comment