Friday, December 22, 2023

Halloween para sa Pasko

Nang umaambong umaga nang ika-22 ng Disyembre ng 2023, Biyernes, nasa Istarbak ako. Ngayon ang ika-2 araw ng taglamig dito sa Isla Lulu. Sa Istarbak, may tsaang itim na may yelo ako. May sanwits na salsitsas, cheddar, at itlog ako. Binabasa ko ang baon kong librong Kastila, Crónicas de Majipur ni Robert Silverberg. Sa isang mesa ay isang Hispanikong may itsura. Dumalaw si Lyle, yaong regular na may itsura. Ang mga barista ay si Anna, yaong Pilipina, si Chelsea, yaong Mandaring Tsina, si Jessica, yaong Byetnamesa, si Chase, yaong mestisong Tsino-Ingles, at si Joanna, yaong Anglo-Sahona. Dumating din ang manedyer na Pilipinang si Gina. Si Anna pala ay pinanganak sa Burnaby, at lumipat siya dito sa Isla Lulu noong 4 na taong gulang siya. May dumalaw na mga bata at magulang na nakasuot nang parang Halloween para sa Pasko. May mga regalo sila. Pag-uwi ko, sa daan, nakita ko si Joanne na Ukranyang ilang henerasyon. Pumunta raw silang mag-asawa sa Pista ng mga Ilaw sa Harding VanDusen. Sang-ayon kaming hindi namin gusto ang maraming tao sa Pasko. Nakapulang dyaket ngayon si Joanne. Sa tema ng araw, ang numerong 22 ay naging simbolo ng Koreano.

No comments:

Post a Comment