Nitong ika-11 ng Disyembre ng 2023, nasa pizzeria ako sa umaga. Tapos, hindi naman sa plano'y nagbus ako papuntang Nayong Steveston dito sa Isla Lulu. Doon, pauna ang Parkeng Garry Point. Parang nagbiyahe na ako sa ibang bansa, ibang daigdig. May aplaya roon sa tabi ng tubig. Maulap nang kaunting may araw naman. Ang sikat ng araw ay kumikinang sa tubig. May mga naaanod na kahoy sa aplayang kulay-abong buhangin. May harding Hapones sa isang lugar. May batong lantern at dekorasyong tulay. Tapos, pumunta ako sa Asyanong tindahan sa nayon, pero sarado pala ang delicatessen. Pumunta pa ako sa kapihang may tindahan ng mga libro, pero may renobasyon pala at sarado rin. Dumalaw ako sa isang Britanikong tindahan. May mga malalaking pay na karne roon at mga galyeta. Pag-uwi ko nang bus, nakita ko si Lola Květa, yaong Tsekang mahilig maglakad katulad ko.
No comments:
Post a Comment