Wednesday, December 6, 2023

Crèperie

Nang maulap na hapon nang ika-6 ng Disyembre ng 2023, nasa pizzeria ako. Sa lakad sa daan, kumaway sa akin si Rod na puting mahilig magkamping. Sa pizzeria, naroon si Sachet na tinderong Taga-Indiya at isang tinderang Taga-Indiya rin. Sana'y may crèperie o siyopawan man ng mga iba-ibang kulay na siyopaw sa kapitbahayan dito sa Isla Lulu. Pag-uwi ko, nakita ko sa daan si Květa, yaong Tseka, at nakalavander na dyaket siya. Tanong niya kung nalalamigan daw ako. Sabi kong hindi naman dahil makapal ang berde at pulang suot ko. Sa ibang tema, ang ensaymada raw ay nagmula sa mga Hudyo.

No comments:

Post a Comment