Wednesday, December 20, 2023

Estatwa

Sa Istarbak nang ika-19 ng Disyembre ng 2023, sabi ko kay Greg na ang Lolo Mac ko sa Ibaan ay doktor na naging akupungkturista. May klinika dati siya sa silong ng malaking bahay niya. May estatwa pa roon ng taong may mga punto ng akupungktura. Ngayon, nagpapagamot ang Mama sa akupungktura rito sa Isla Lulu, at nakakatulong daw sa kanyang masakit na tuhod.

No comments:

Post a Comment