Friday, December 22, 2023

Ina ng Daigdig

Nang medyo maaraw na hapon nang ika-22 ng Disyembre ng 2023, nasa pizzeria rito sa Isla Lulu ako nang dalawang beses. May mga binata at bata roon. May pizzang may kabute at keso ako. Sa pruteriya, bumili ako ng anim na malalaking puting kabute. Nasa kayumangging papel na sako. Dumalaw ako sa malaking tindahan. Nabili ko ang isang kahon ng Italyanong pizzelle, mga bilog na waffle. Pag-uwi ko sa daan, nakita ko si Sherie, yaong mestisang lahing Pranses at Amerindiyong Cree, na hawak ang tali sa aso niyang pitbull. May bilog na plastikong tubong may makulay-kulay na ilaw sa leeg ng aso. Sabi ko, "UFO dog! UFO dog!" Tapos, nag-Merikrismas na kami. Mukhang tabatsoy na Italyanang itim ang buhok si Sherie. Mukha siya noong mga estatwa ng prehistorikong Ina ng Daigdig na nahuhukay sa Lumang Mundo.

No comments:

Post a Comment