Saturday, December 16, 2023

Antigong Bansa

Sa maulap na umaga nang ika-16 ng Disyembre ng 2023, nasa pizzeria akong dala ang isang librong Esperanto. Sa daan, nakita ko si Rochelle na kapitbahay na pula ang buhok. Sa tabi ng bahay ko, nasa kotseng pulang Mercedes ang mga pamangkin ko at pumara. Si Calla ay pasahera, at si Tria ay drayber. Nagtratrabaho si Calla sa Inglatera nang siyentipiko. Narito siya sa Isla Lulu para sa Pasko. Hindi raw siya sigurado kung tuluyang magtatagal siya sa Inglatera. Mahal daw doon. Sabi ko sa kanyang dating gusto ko sanang tumirang tuluyan sa isang antigong bansa bilang Hapon, kung saan nagtrabaho ako dati. Dito sa Kanluran hindi ako naghahanap talaga ng Oryentalismo, miski na hindi talaga dayuhan sa akin ang Oryentalismo. Hindi rito ang parang Hapon o Taylandiya man. Sa bahay, nagbidyokomperensiya kami ng kuya ko dahil nag-aaral kami ng Kastila. Mas gusto ng kuyang kausapin ang mga Latino, pero ako naman ay sapat sa pagbabasa. Sa hapon, nasa pizzeria ako. Nakita ko si Lola Joey na Olandesa roon, at sa daan naman si Lola Květa, yaong Tseka. Nagpizza akong may olibo, at may kolang pangdiyeta.

No comments:

Post a Comment