Nang maulap na hapon nang ika-20 ng Disyembre ng 2023, lumakad ako papuntang pizzeria. Nagkokolang pangdiyeta ako roon. Naroon ang mga tinderong Taga-Indiyang si Sachet at si Navjot. Dumalaw ang may-aring si Tharsan, yaong muskuladong may lahing Srilangkano. Kaya gusto kong umupo lamang sa mga kapihan, tsaahan, at pizzeria ay dahil parang buhay sa Paris sa Pransiya. Naranasan ko na ang buhay na Parisyano. Ganoon ang mga Pranses: Nanonood lamang ng tao. Nagbabasa ako sa pizzeria ng isang librong Kastila: Crónicas de Majipur ni Robert Silverberg. May nakaupong nagpipizzang malusog na binata sa ibang mesa. Bulong niya, "Gusto mo lamang ang mga mukhang Hispaniko." Siya nga ay mukhang Hispaniko, pero walang puntong dayuhan ang Ingles niya. Mukha siyang bading kung kumilos. Sabi ko, "Mas gusto kong mag-Esperanto sa pamilya ko o parang ganoon man." May dumalaw na pamilya namang may kulay ang balat: isang babaeng magulang, isang babaeng bata, at isang lalaking bata. Sa labas ng bintana ay ang Anglo-Sahonang si Tanya, yaong Istarbak na barista, at ang kanyang anak na si Nigel na nagbibisikleta. Sa mga trabahador sa kalye, isip nilang namatay na ako noong pagdating ko sa Isla Lulu mula sa Pilipinas. Naaalala nila ang memorya kong naglalaro sa mga niyebeng kanal sa kapitbahayan ng eskuwelang Errington. Maraming taong ang importante sa kanila ay ang kabataan lamang nila.
No comments:
Post a Comment