Friday, December 15, 2023

Aïcha

Sa umaga at sa hapon din nang ika-15 ng Disyembre ng 2023, lumakad ako papuntang pizzeria rito sa Isla Lulu. Sa umaga, nakita ko sa parkeng eskinita si Michael na Danes-Pranses. May pinakita siya sa kanyang ismartpon: ang mga bagong litrato ng mga mahiwagang ilaw-ilaw sa pook na sa kanyang isip ay ebidensiya ng ekstraterestre. Sa hapon, nakita ko naman sa pizzeria si Khathie (pagbigkas nang parang "Hachi"), yaong itim na Taga-Senegal. Pranses ang paunang lengguwahe niya. Nag-unibersidad siya sa Senegal. Marunong din siya ng iba pang mga wika katulad ng Wolof. Paborito namin ang musikang Pranses na bidyong "Aïcha" ni Cheb Khaled. Hinanap namin sa kanyang ismartpon, at nakita namin. May anak siyang ang pangalan ay Aïcha. Si Amina naman yaong isa pa. Nakakulay-pilak na dyaket si Khathie. Palagi akong may kolang pangdiyeta sa pizzeria. Sa hapon naman, may isang piraso ng maberdeng pizzang pesto ako.

No comments:

Post a Comment