Nasa pizzeria, malaking tindahan, at Istarbak dito sa Isla Lulu ako nang maulap na umaga nang ika-20 ng Disyembre ng 2023. Dala kong binabasa ang Kastilang librong Crónicas de Majipur ni Robert Silverberg. May binili akong isang matabang silindrong plastik na kahon ng Stik-O na parang barkilyos na lasang istroberi. Sa pizzeria, may dumalaw na itim na mukhang may lahing Arabe, at may anak siya sa istroler ng sanggol. Nakilala ko nang matagal nang nakaraan sila. Taga-Silangang Aprika raw siya. Ang anak ay kalahating Koreano. Sa Istarbak, naroon si Gina, yaong Pilipinang manedyer, at si Chris, yaong mestisong Hapones-Ingles na barista.
No comments:
Post a Comment