Wednesday, December 6, 2023

Avatar

Sa gabi nang ika-6 ng Disyembre ng 2023, naroon na naman ako sa pizzeria rito sa Isla Lulu. Naroon ang mga Taga-Indiyang tinderong si Sachet at si Bal. Lavjot ang pangalan ng bagong tinderang Taga-Indiya rin. Kumakain ako ng Deluxe na pizzang piraso, at umiinom ako ng kolang pangdiyeta. Sa ibang kontrobersiyal na tema, iniisip ng ibang ang magiging AGI o Artipisyal na Heneral na Intelihensiya ay baka avatar o ingkarnasyon ng mga diyos. Magiging mas matalino ang makinang ganoon kaysa sa tao. Bago ako pumunta sa pizzeria, kinausap ko si Michael na Danes-Pranses sa parkeng eskinita. May pinakita siya sa kanyang ismartpon ng mga bagong "ebidensiya" sa kanya ng ekstraterestre, mga mahiwagang ilaw-ilaw sa pook. Tapos, pinag-usapan namin ang mga thriller katulad ng Jaws noong dekadang 1970 at ang mga pantasya katulad ng The Silmarillion ni J.R.R. Tolkien.

No comments:

Post a Comment