Nang maulap at medyo umuulang umaga nang ika-6 ng Disyembre ng 2023, nasa Istarbak ako para sanwits na salsitsas, cheddar, at itlog na may kasamang abenang gatas na may yelo. Naroon ang mga baristang si Jam, yaong Pilipinong may ponytail at bigote, si Chelsea, yaong Mandaring Tsina, at si Jessica, yaong Byetnamesa. Sa ikalawang lakad, pumunta ako sa Pizzeria Y. Naroon si Bal na tinderong Taga-Indiyang may tato sa braso. At dumalaw si Tharsan, yaong may-aring lahing Srilangkano. Dumalaw ang mag-amang Pilipino para magpizza. Si Don ay Taga-Albay sa Bicolandia. Malapit dati siya sa Bulkang Mayon. Gradong 1 ang anak niyang lalaking nakasalamin. Mga limang taon na si Don dito sa BC mula sa Bicolandia. Pinag-usapan namin ang politika: "Sino ang iboboto mo?" tanong niya. Sabi ko, "Wala sa listahan. Komunista ako." "Mas gusto mo ang mamon..." bulong niyang pahiwatig tungkol sa Kastila. Pag-uwi ko, nakita ko ang kapitbahay kong si Sandra, yaong Taga-Fijing may lahing Tsino at Indiyano. Sabi niyang matahimik nga sa Isla Lulu rito, pero sa Victoria na dati siya ay matahimik din.
No comments:
Post a Comment