Thursday, December 14, 2023

Birheng Radyo

Nang ika-14 ng Disyembre ng 2023, nasa Istarbak ako sa umaga at sa pizzeria sa umaga rin, tapos, nasa pizzeria muli sa hapon. Ang numerong 14 ay paborito ng maraming Hapones at sagrado sa kanila. Sa Istarbak, nag-abenang gatas na may yelo ako. Dala ko ang isang librong Esperanto. Sa pizzeria, nag-isang pirasong mantikilyang manok na pizza ako sa umaga, at pirasong kesong pizza sa hapon. Ang tinderang dalaga roong si Navdeep daw ay Panjabi, pero lumipat sa Uttar Pradesh ang mga ninuno niya. Dumalaw sa pizzeria ang may-aring si Tharsan, yaong may lahing Srilangkano. Iniisip ko ang talagang relihiyon ko dahil sabi kahapon sa Birheng Radyo, hindi raw siyensiyang piksiyon ang relihiyon ko. Parang baliktad na sikolohiya yata. Mas marami nga akong natutunan sa siyensiyang piksiyon kaysa sa mga tradisyonal na relihiyon. Ang astronomiya ay parang heograpiya ang sabi ng iba.

No comments:

Post a Comment