Monday, December 25, 2023

Krismas

Nang madaling-araw ng Krismas dito sa Isla Lulu, ang ika-25 ng Disyembre ng 2023, nasa sala ako para kumain ng prut salad, kutsinta, Goldilocks na mamon, at matamis na ginataan. May malamig na espesyang mansanas na tsaa ako. May isdang tokwang rolyo ako sa silid-kainan. Nasa bolsa ng dyaket ko ang Pranses na librong Akhénaton le renégat ni Naguib Mahfouz. Balak kong basahin sa tsaahan at pizzeria. Mga alas 2 nang hapon, magpaparti sa bahay ang pamilya ko. May mga bisitang Hispaniko at Britaniko yata. Sa dilim sa labas, sa kapitbahay, kita ko ang umiilaw na estatwang balloon ng berdeng elf na sumasakay sa malaking puting pusa.

No comments:

Post a Comment