Nang maambong ika-19 ng Disyembre ng 2023, nasa Istarbak ako sa umaga at sa pizzeria sa umaga rin at sa hapon. Sa Istarbak, si Greg ay may kesong Danish at kape. Ako naman ay may mayelong itim na tsaa at isang sako ng popcorn na binigay niya sa akin. Marami kaming pinag-usapan. Sabi kong lahok-lahok na ingkoherent ang kultura sa Pilipinas. Sabi kong parang ang Karibeng maraming etnikong impluwensiya. Sa sarili kong pamilya, sabi ko, may impluwensiya ang Pilipino, Tsino, Kastila, Griyego, Portuges, at Hudyo. Sabi kong ang Mama'y parang "Griyegang Intsik." Sa pizzeria sa hapon, nakita ko muli si Khathie (pagbigkas na parang "Hachi"), yaong Taga-Senegal. Pinag-usapan namin ang Arabe niya. Sabi niyang nag-aral siya nang bata siya at nang dalaga siya ng Arabe. Nakakapagbasa siya ng Koran ng may mga kudlit sa sulat. Marunong siyang magsulat ng Arabe. Sinulat niya sa papel ang "Allahu akbar" sa Arabe. Maganda ang sulat. Sabi kong kung ikumpara sa Romanong letra, mas mukhang rihido ang Romano. Naroong nagpipizza ang mga anak niyang mulatang si Aïcha at si Amina. Marunong silang lahat ng Pranses. Sa daan sa umaga, nakita ko naman si Michael na Danes-Pranses na ufolohista. Sa mga naiisip niyang penomena ng mga mahiwagang ilaw-ilaw, may mas engrande kaysa sa makamundo. May mga bagong litrato siya sa kanyang ismartpon.
No comments:
Post a Comment