Wednesday, December 20, 2023

Malum

Nang gabi nang ika-20 ng Disyembre ng 2023, nasa Istarbak ako, tapos nasa pizzeria, sa Isla Lulu rito. Sa Istarbak, naroon pa si Chris na baristang mestisong Hapones-Ingles, si William, yaong baristang may itsurang Tsino, at si Francis, yaong baristang mestisong Ingles at Amerindiyong Cree. Naroon sa isang mesa si Lyle na regular na may itsurang kostumer. Umiinom ako roon ng gingerbread na abenang chai na may yelo habang nagbabasa ako ng isang librong Kastila. Sa pizzeria, may mga kostumer na Mediteraneo roon: May dalawang lalaking nakaupong naghihintay ng pizza. May kyut na batang malusog na ang pangalan ay Andy na nakapulang kamiseta. Habang inaabot ng isang lalaki ang kahon ng katas mula sa nebera, nagtanong siya sa ibang lalaki kung narangha o mansanas: "Malum?" tanong niya sa antigong Latin para sa mansanas.

No comments:

Post a Comment