Tuesday, December 12, 2023

Dibersidad

Dalawang beses ako sa hapon nang ika-11 ng Disyembre ng 2023 naglakad papuntang pizzeria rito sa Isla Lulu. Kinausap ko si Simar na Panjabing tindero roon. Malabo sa akin kung baga Hindu o Sikh siya dahil malabo ang paliwanag niya sa akin. Sabi kong "Budista-Animista" ako, miski na may mga Kristiyano sa pamilya ko dahil nagtanong siya kung nagpapasko raw ako. Si Dhruv naman ay Panjabing tindero rin doon. Paliwanag niyang Hindu nga siya at hindi Sikh. May tiyo raw siya sa Dubai. Nabisita na ni Dhruv ang Nepal, Dubai, at Shanghai. Sabi kong alam kong ultramoderno ang mga arkitektura sa Dubai at Shanghai. Gusto niyang bisitahin ang Pilipinas dahil may kilala siyang Pilipinang kalahating Indiyana. Problema raw kay Dhruv ang paninigarilyo. Sabi kong nagtrabaho ang Tita Vicky ko sa Indiya at Taylandiya rin dati nang manedyer sa Tupperware. Binisita ko siya sa Taylandiya, pero hindi sa Indiya dahil nagtratrabaho ako noon. Sabi ng Titang nasa palasyo raw ang tinirhan niya sa Indiya. Sabi ko kay Dhruv na nakakapagtaka ang dibersidad sa Indiya.

No comments:

Post a Comment