Dalawang beses akong naglakad sa umaga nitong ika-4 ng Disyembre ng 2023: Una, nasa Istarbak ako rito sa Isla Lulu para isang baso ng mayelong abenang gatas. Baon ko ang libro sa Esperanto kong Kometo en Muminvalo ni Tove Jansson. Mahal ko itong libro, at ni Chen, yaong tabatsoy na Tsinong mukhang militar, at ni Tharsan, yaong lahing Srilangkanong may-ari ng Pizzeriang Y. Binasa ko itong libro at iba pang libro ni Tove Jansson, yaong Suwekang Pinlandesa, sa Ingles noong Gradong 6 at 7, sa eskuwelahang Errington dito sa Isla Lulu. Mamaya pa, pumunta ako sa Pizzeria Y. Sa daan, nakita ko sa ulan si Michael, yaong Danes-Pranses na ufolohista, at sabi niya: "Itik ka!" Nakapayong kaming pareho. Alam niyang Animista ako sa aking Singkretismo. Budista pa rin din ako. Sa pizzeria, umiinom ako ng kolang pangdiyeta. Kagabi, sa pizzeria, kumain ako ng lasanyang karneng Marinara. Sa tema ng araw, ang numerong 4 ay paborito at sagrado sa mga Hapones. Hindi sila Intsik na mas gusto ang numerong 3. Pag-uwi ko, sa daan, nakita ko si Al na puting kapitbahay na naninigarilyo sa ulan.
No comments:
Post a Comment