Maaga dumating sa Istarbak si Greg nang bago pa mag-alas 8 nang umaga nang ika-12 ng Disyembre ng 2023. May kape siya at isang kesong Danish. Binigyan niya ako ng isang sako ng tsip na mansanas. May abenang gatas na may yelo ako. Siyempre, marami kaming pinag-usapan. Ang baristang Pilipino roon ay si Jam at si Anna, at ang mga Anglo-Sahona'y si Tanya at si Sarah. Naroon din ang manedyer na Pilipinang si Gina. Nakadyaket na Columbia na asul at puti si Greg na may daffodil pin ng Kanadyanong Lipunan para sa Kanser. Ako naman ay nakadyaket na militar na berde, at paloob na pulang fleece na dyaket, at paloob na berdeng kamiseta, at saka berdeng syorts, itim na medyas, at berdeng Crocs na sapatos para sa hardin. Sang-ayon kami ni Greg na ang mga mahilig sa kolonisasyon ay ang Anglo-Sahon, Kastila, Portuges, Pranses, at Olandes, at sa mga Asyano naman ay ang mga Hapones. Dala kong binabasa ang libro sa Esperanto: Kometo en Muminvalo ni Tove Jansson.
No comments:
Post a Comment