Sunday, October 1, 2023

Midjournal

Sa maulap na hapon nang una ng Oktubre ng 2023, dumating ako sa pizzeria, at puno nang tao, kaya pumunta na ako sa Istarbak para tsaang itim na may yelo at sanwits na salsitsas, cheddar, at itlog. Sa tabing mesa'y may mukhang Indiyang nagbabasa ng isang librong Percy Jackson sa seryeng Griyego-Romano-Ehipsiyong pantasya raw ni Rick Riordan. Sa mesa sa labas ng Istarbak, nagkakastila ang tatlong Hispaniko. Pagbalik ko sa pizzeria, umiinom na ako roon ng isang plastikong bote ng kolang pangdiyeta. May dumalaw na Hudyong nakaolibong suweter na may sulat na Hebreo. Nakakulay-abong track pants siya. Nakaahit ang ulo. Taga-Israel daw ang tatay niya. Ang nanay ay Hudyang galing Winnipeg. Nagbrebreyk si Rose na tinderang Pilipina roon. Naglalasanya naman siya dahil sawa na raw siya sa mga pizza nila roon. Pag-uwi ko, kadadating lamang ang kotse ni Derek, yaong Pilipinong kapitbahay ko. May dala siyang tennis racket dahil kalalaro lamang niyang kasama si George na Tsipreng Griyegong kapitbahay namin at ang asawa niyang Haponesang si Chika. Sa ibang tema, maraming batang nagbabasa ng piksiyong espekulatibo. Ako ay ganoon din.

No comments:

Post a Comment