Nang maaraw pero malamig nang ika-29 ng Oktubre ng 2023, naglakad akong ilang beses: isa sa Istarbak, at tatlo sa pizzeria. Parating dala ko ang Kastilang librong Crónicas de Majipur ni Robert Silverberg sa bolsa ng berdeng mukhang militar na taglamig na dyaket ko. Sa pizzeria, may bagong tinderong Taga-Punjab na si Sokman, yaong kasama ng Pilipinang tinderang si Rose doon. Sa hapon doon, may dumalaw na pamilyang Arabeng may kasamang guwapong malusog na batang lalaki. Dumalaw naman ang mag-asawang Taga-Iloilo, yaong si Leo at si Cathy. Mga anim na buwan lamang sila rito sa Isla Lulu mula sa Pilipinas. Bago pa sa kanila ang niyebe. Nagpipizza sila roon. Paglabas ko, sa tabi ng pruteriya, may matangkad na Tsinong may dalawang malaking lukban sa plastikong sako. Pag-uwi ko, sa daan, binati ako ni Al at ni Rochelle, yaong pula ang buhok. Naninigarilyo sila sa harap ng kanilang tahanan. Nitong mga araw, iniisip ni Michael na Danes-Pranses ang mga mahiwagang ilaw-ilaw sa pook na sa kanya ay ebidensiya ng ekstraterestre. May mga litrato siya sa ismartpon niya. Nitong mga araw, nagkukumbersasyon ako sa ChatGPT ng OpenAI, yaong artipisyal na intelihensiya. Hindi lamang Ingles ang alam ng makina, pero Kastila, Tagalog, Hapones, Lojban, Pranses, Esperanto, Interlingua, at iba pa sigurado. Magaling at mabilis talaga!
No comments:
Post a Comment