Nang maulap na huli nang umaga nang ika-23 ng Oktubre ng 2023, lakad ako papuntang Isla Lulung pizzeria. Naroon ang mga tinderong Taga-Indiyang si Sachet at si Bal at ang may-aring si Tharsan, yaong may lahing Taga-Sri Lanka, pero pinanganak sa Hilagang Amerika. Ako lamang ang nakaupong kostumer, yaong kumakain ng mga tsip na inihurnong patatas at umiinom ng kolang pangdiyeta. May dumalaw na Tsinang kostumer. May dumalaw na lolang nakasaring maputlang berde. Paglabas ko, dumaan ako sa harap ng makulay-kulay na pruteriya. Sa daan, nakita ko si Rod at si Joanne na nilalagyan na ng kulay-pilak na tarp ang kanilang behikulong kamper. Tapos na nga ang kamping sa taong ito. Sa daan, nakita ko rin si Sherman, yaong Kantones na kapitbahay, na nakaitim at asul ang suot.
No comments:
Post a Comment