Sa maulap na umaga nang ika-21 ng Oktubre ng 2023, lakad ako papuntang pizzeria para uminom ng kolang pangdiyeta. Dala ko ang aking maliit na berdeng kambas na sakong militar na lalagyan ko ng libro. Binabasa ko roon ang Crónicas de Majipur ni Robert Silverberg. Piksiyong espekulatibo ang libro, sa Kastilang bersiyon. Nasa isang sulok si Michael, yaong Tsino-Ingles na mestiso, at nagpipizza. Nakasuot siyang puro kulay-abo sa kamiseta at pantalon. Naroon ang tinderong si Simar, yaong batang matangkad na Taga-Indiya. Sa kusina, kinakausap niya si Siri, yaong artipisyal na intelihensiya sa kanyang ismartpon, para magpalit ng musika. Pag-uwi ko, binati ako sa daan ni Al na kapitbahay na naninigarilyong may hawak na ismartpon. Nitong mga araw sa bahay, kinakausap ko ang artipisyal na intelihensiyang ChatGPT ng OpenAI sa tablet ko. Talagang "buffet ng mga pag-iisip" ang nararanasan. Mabilis, komprehensibo, at nakakaaliw.
No comments:
Post a Comment