Nang umuulang hapon nang ika-2 ng Oktubre ng 2023, dumaan akong nakapayong sa pizzeria at sa Istarbak dito sa Isla Lulu, pero puno nang tao pareho. Pumunta na ako sa sanwitseriya. Kumain ako ng teriyaking manok na sanwits. May kolang pangdiyeta. May jalapeñong tsip na patatas pa. Ang mahal-mahal nang inabot, at hindi pa naman sushi! Palagay ko'y mas mura pa ang mga pang-araw-araw na pagkain sa Tokyo, may baryedad, at mas masarap pa talaga roon. Sa sanwitseriya, nag-uusapan ang isang Tsinong kostumer at ang isang Taga-Indiyang tindero tungkol sa mga kurso nila. Dumalaw at tumingin lamang ako sa pruteriya. May mga longan at jujube. Mayroon pang Inka Berries sa mga maliliit na basket.
No comments:
Post a Comment