Sa gabing pasado nang 17:00 nang ika-20 ng Oktubre ng 2023, lakad ako sa labas at nakita kong naninigarilyo ang mga kapitbahay na si Rochelle at si Al. Tumawid ako sa harap ng pizzeria, pero puno nang tao, kaya dumalaw na lamang ako sa Istarbak. Nag-isang sako ako ng patatas na tsip. Naubusan na raw sila nang abenang gatas na latte, yaong gusto ko sana, ang sabi ni Denise na Pilipinang barista. Naroon din ang baristang si Chase na mestisong Tsino-Ingles. Naroon din ang Anglo-Sahong si Peter na nagtanim daw ng mga kamatis sa labas ng Istarbak, at namumunga nang malaki ngayon. Nakaupo sa bar si Chen, yaong Tsinong tabatsoy na mukhang militar. Bumalik ako sa pizzeria naman para magkolang pangdiyeta. Naroon ang mga tinderang si Agaccha at si Navjot na parehong Taga-Indiya. Nasa ismartpon si Tharsan, yaong pizzeriang may-aring may lahing Taga-Sri Lanka. May Sikh na dilaw ang turbang nakaupo sa sulok. May dala siyang malaking papel na sakong may markang Levi's. May dumalaw na mukhang Hispanikang nanay na may apat na batang nakasuot nang pang-Halloween: isang Spider-Man, isang Captain America, isang matabang bruhang nakaitim, at isang prinsesang nakaasul at puti. Maaga ang Halloween natin.
No comments:
Post a Comment