Sunday, October 22, 2023

Istroberi o Kamatis

Sa maulap na malamig na may kaunting hanging umaga nang ika-22 ng Oktubre ng 2023, naroon ako sa Isla Lulung Istarbak para isang platito ng sanwits na salsitsas, cheddar, at itlog at isang plastikong baso ng abenang gatas na mayelo. Binabasa ko roon ang librong dala sa maliit na berdeng kambas na sakong militar: ang Kastilang Crónicas de Majipur ni Robert Silverberg. Ang mga barista ay si Chelsea, yaong Mandaring Tsina, si Nabhi, yaong mukhang Latinang Taga-Indiya, at si Sarah, yaong Anglo-Sahonang galing Québec. Dumalaw si Lyle para magkape. Sa labas ng bintana ay nakaupo si Les, yaong Haponesa, at ang kaibigang Tsina niya. Sa labas din ay ang tatlong regular na Kantones, Mediteraneo, at Anglo-Sahon. Sa loob, sa isang mesa ay nakaupo si Dennis, yaong mestisong Tsino-Aleman. May dumalaw na matangkad na lalaking may kulay-pilak na maleta at itim na bakpak. Sa bahay, nagpankeyk ako. Sa huli nang umaga, dala ko rin ang libro ko sa kambas na sako para basahin sa pizzeria habang nagkokolang pangdiyeta ako. Nabubo ng tindera sa pruteriya ang mga istroberi o kamatis sa bangketa. Nasa pizzeria ang Pilipinang tinderang si Rose. Pinag-usapan namin ang iba niyang trabahong may mga pipa at diyamanteng binubuo. Sa tema ng araw, ang numerong 22 ay naging simbolo ng Koreano. Magaling na pag-aralan ng mga Taga-Kanluran ang Koreano dahil ang Hangeul na maayos na sulat nila ay mga ponograma. Ang mga sinograma sa Hapones at Tsino ay resulta lamang nang matagal na matagal na kaos na ebolusyon.

No comments:

Post a Comment