Tuesday, October 31, 2023

Kabute para sa Halloween II

Sa madaling araw nang ika-31 ng Oktubre ng 2023, nag-almusal ako ng niluto kong mga kabute. Halloween na. Mag-isa ako sa silid-kainan. Madilim sa labas. May ilang mga batang nagpapaputok nang kaunti na. Naririnig ko. Sa ibang tema, iniisip ko ang "Kāma" sa Hinduismo, yaong sensuwalidad at pagnanais. Singkretista ako. Sa maulap na malamig pero maaraw na umaga, lakad ako papuntang malaking tindahan para bumili ng Drāno Max Gel para sa lababo ko sa banyo. Sa pizzeria, maagang nagbukas si Bal, yaong Taga-Indiyang tinderong may mga tato sa braso, dahil Halloween ngayon. Sa isang sulok na mesa, naroong nagpipizza si Michael na mestisong Tsino-Ingles. Nagbabasa ako ng Kastilang librong Crónicas de Majipur ni Robert Silverberg, habang nagkokolang pangdiyeta ako sa isang mesa sa ibang sulok. Pag-uwi ko, binati ako ni Al at ni Rochelle, yaong pula ang buhok, na naninigarilyo sa harap ng tahanan nila. Nitong mga araw, sa Web, marami akong nakitang mga litrato at bidyo tungkol sa mga dekorasyon, pagkain, at pistang antisipasyon ng Día de los Muertos sa una at ika-2 ng Nobyembre sa Mehiko.

No comments:

Post a Comment