Nang maulap na umaga nang ika-3 ng Oktubre ng 2023, nagdalawang lakad ako rito sa Isla Lulu: Sa una, nasa Istarbak ako para tsaang itim na may yelo. Dumalaw si Marlin, yaong Pilipina. Sa pulong namin, sabi niyang Anglo-Sahon daw ang asawa ni Les, yaong kaibigan niyang Haponesa. Sa ikalawa, nasa malaking tindahan ako para bumili ng isang sako ng mga siyopaw na baboy sa loob. Tapos, nasa pizzeria na ako. Naroon si Bal na Taga-Indiyang tindero. Dumalaw si Michael na Tsino-Ingles na mestiso para magpizza sa isang sulok. Ako naman ay may isang lata ng kolang pangdiyeta sa aking regular na sulok. Sa telebisyon na walang audio sa ibang sulok, palabas ang talk show na The View na ang hostess ay si Whoopi Goldberg. Ang guest ay si Patrick Stewart. Pareho silang sikat sa prangkisang Star Trek.
No comments:
Post a Comment