Monday, October 23, 2023

Magnolia

Sa maulap na malamig na umaga nitong Lunes nang ika-23 ng Oktubre ng 2023, labas akong lakad. Sa daan, nakita ko ang kapitbahay na si Rochelle na pula ang buhok na naninigarilyo. Nasa Isla Lulung Istarbak na ako, mamaya pa. Ang mga barista ay si Jam, yaong Pilipinong may bigote at ponytail, si Sarah, yaong Anglo-Sahona, si Tanya, yaong Anglo-Sahona rin, si Taryn, yaong Anglo-Sahona rin, at si Chase, yaong mestisong Tsino-Ingles. Sabi ni Sarah, "May mga babaeng ayaw tumira sa kinabukasan." Bakit ganoon sila? Sa mesa ko, nagbabasa ako ng Kastilang bersiyon ng Crónicas de Majipur ni Robert Silverberg. Dala ko sa maliit na berdeng kambas na sakong militar ko. May tsaang itim na may yelo ako. Dumalaw si Abhi, yaong eks-manedyer na Hindu ng Istarbak, para maglaptop sa isang mesa. May matangkad na Pilipinong nakapulang nakatindig na naglalaro ng barahang bumagsak sa lupa. Hinihintay niya ang kape niya. May mga magagandang lalaki sa isang mesang nagkakape. Pag-uwi ko, nagsyortkat ako sa daang may mga puno ng Magnolia. Alam kong sa Pilipinas, may ayskrim na markang "Magnolia." Sa tema ng araw, ang numerong 23 ay naging simbolo ng unibersidad na tinapos ko noong 23 anyos na gulang ako.

No comments:

Post a Comment