Ika-16 ng Oktubre ng 2023 na, at malapit na ang Halloween. Noong bata pa ako, talagang espesyal ang Halloween. Dahil dito sa Isla Lulu, maraming hindi kanluranin, hindi nila alam masyado ang Halloween. Sa hapon ngayon, nasa Istarbak ako para tsaang itim na may yelo at sanwits na salsitsas, cheddar, at itlog. Naroon ang mga baristang si William na Tsino at si Jam na Pilipino. Naroon din ang manedyer na Pilipinang si Gina. Isang regular na kostumer si Chen, yaong Tsinong tabatsoy na mukhang militar, na nakaupo sa bar. Nitong mga araw, kinakausap ko ang mga Mormon sa pook. Talagang iba ang paningin nila kaysa sa akin tungkol sa relihiyon. Pinaliwanag ko sa kanilang Budista-Animista ako, pero hindi madaling magpinta ng larawan. Alam kong may mga Hapones ngayong interesado sa Budismong Theravāda sa Taylandiya. Sa Hapon at Taylandiya, maraming tao'y dalawa ang relihiyon nang Budismo at Animismo. Sa Hapon, madalas na ang mga sekta sa Budismo ay Amidismo, Zen, at iba pa. Sa Hapon, ang Animismo ay madalas na Shintō. Ang mas tiyak na deskripsiyon sa akin ay Singkretista. Sa tema ng araw, may 16 na regla ang basikong gramatika ng Esperanto. Nitong mga araw, sa birtuwal na biyahe ko nang Istritbyu, nasa Amerikang Latino ako. Tuloy ang pag-aaral ko ng Kastila nitong mga araw.
No comments:
Post a Comment