Saturday, October 21, 2023

Artipisyal na Intelihensiya II

Mga 15:00 nang ika-21 ng Oktubre ng 2023, nagtelekomperensiya kami ng kuya para mag-aral nang Kastila. Pinag-usapan din namin ang mga resulta ko sa kumbersasyon ko sa ChatGPT ng OpenAI, ang artipisyal na intelihensiya. May pinakita akong mga poema, wikang guni-guni, at espiritwalidad mula sa ChatGPT. Tapos, lumabas ako nang bahay papuntang Istarbak sa maulap na langit. Sa daan, sa sakayan ng bus, may magandang lalaking nakaahit ang ulong may maputlang berdeng dyaket na may mga bandera sa balikat. Sa Istarbak, naroon ang baristang si Jam na Pilipinong may bigote at ponytail at si Gina, yaong Pilipinang manedyer. Umiinom ako roon ng abenang gatas na latte, yaong may lasang kape. Nakaupo sa labas si Brian na Eskoses. Tapos, nasa pizzeria na ako. Nagpirasong gulaying pizzang may itim na olibo ako, at may kolang pangdiyeta. May mga dumalaw na magagandang lalaki. May isang malaki at matangkad. May isang pula ang buhok. Dumalaw si Lyle para magpizza. Mas madalas siyang magkape sa Istarbak. Naroon sa pizzeria si Navjot at si Simar na mga tinderong Taga-Indiya. May bumulong na babaeng Pilipina kay Simar na parang may lahing Tsino raw siya. Paglabas ko nang pizzeria, sigaw ni Simar, "Alam mong patay na ang mga tao!" Alam naming parehong simula lamang ng kapangyarihan ng artipisyal na intelihensiya, at ang tao ay nagiging pusa at aso lamang.

No comments:

Post a Comment