Monday, October 30, 2023

Anito-Ekstraterestre

Nang maaraw pero malamig na umaga nang ika-30 ng Oktubre ng 2023, lakad ako papuntang Istarbak. Doon, nagtsatsaang itim na may yelo ako habang nagbabasa ng Kastilang librong Crónicas de Majipur ni Robert Silverberg. Sa ibang mesa, may Tsinong nakaahit ang ulong nagla-laptop. Pag-uwi ko, nakita ko sa daan si Michael na Danes-Pranses. Namasyal kaming pareho sa pook para makita namin ang mga mahiwagang ilaw-ilaw na nasa mga gusali at bahay. Naging espiritwalidad na ni Michael na ekstraterestre raw ang gawa noon. Sabi kong hindi kapwa eksklusibo ang anito at ang ekstraterestre.

No comments:

Post a Comment