Sa ika-9 ng Mayo ng 2023, bago pa mag-alas 10 ng umaga, kumain ako sa bahay ng delatang malamig na Taywanes na panghimagas na sopas ng tigbi at munggo. Mga alas 10, naglakad na ako hanggang sa pizzeria. Sa daan, kinausap ko si Michael na Danes-Pranses. Pinag-usapan naming si Marvin ang Marsiyano ang paborito naming pareho sa mga karakter na kartun sa Looney Tunes. May mga bago siyang nakita nang mga mahiwagang ilaw-ilaw sa eskinitang sa kanyang tingin ay may kaugnayan sa mga ekstraterestre. Magmumusika raw siya sa tahanan niya nang Blues. Sabi kong maraming bata ngayon ay mas gusto ang Rap at Hip-hop. Nalilito kami sa orihen nitong dalawa at kung baga diyalektal o isa sa kanila ay ang pauna. Kumaway si Mark na tabatsoy na naglalakad. Sa pizzeria, ang kahero ay ang may-aring si Tharsan, yaong may lahing Taga-Sri Lanka. Ngayon, iba ang kinain ko: maespesyang patatas na waffle. Nilagyan ko ng ketsap. Nagkola rin ako.
No comments:
Post a Comment